Ang ahensiya ng mga Serbisyo ng Imigrasyon ay aktibong gumagawa ng mga hakbang laban sa mga residente na iligal at huwad na nananatili upang makabuo ng ligtas na lipunan, at tumatanggap ng impormasyon mula sa pangkalahatang publiko.
Mangyaring makipag-ugnay sa pamamagitan ng email o direkta sa pinakamalapit na tanggapan ng imigrasyon sa rehiyon.
* Ang aming tanggapan ay sarado tuwing Sabado, Linggo at pistang opisyal. Hinihingi ang pang-unawa ng maaga. Ang rehiyunal na Kawanihan ng Imigrasyon ng Tokyo ay maaring magbigay ng impormasyon kahit Sabado, Linggo at pistang opisyal maliban sa bakasyon ng katapusan at simula ng taon mula sa ika-29 ng Disyembre hanggang ika-tatlo ng Enero mula alas nuwebe ng umaga hanggang ala-singko ng hapon sa pamamagitan ng telepono. Sa numero ng telepono 03-5796-7256 tumawag.
Ang impormasyon na tinatanggap ay para lamang sa mga impormasyon tungkol sa mga dayuhan na iligal at huwad na nananatili. Para sa iba pang mga bagay, mangyaring tumawag sa telepono sa araw ng pagbubukas.
(Babala) Ang IP address ng taong nagpadala ng e-mail ay awtomatikong nakukuha. Ang madalas na pagpapadala ng paninirang puri na e-mail o e-mail na may mga nilalaman na walang kaugnayan sa mga dayuhan na iligal at huwad na nananatili ay isang kilos na makagambala sa pagpapatakbo ng mga gawain at mahigpit na ipinagbabawal.