Mula sa pagkonsulta o pagpapareserba hanggang sa araw ng pagbabakuna, may suporta para sa iba’t ibang wika.
Hapon, Ingles, Chinese, Korean, Portuguese, Spanish, Thai, Vietnamese, Filipino, Khmer, Nepal, Indonesian, Burmese, Mongolian, French, Singhala/Urdu/Bengal
*Ang mga sinusuportahang wika sa lokasyon ng pagbabakuna ay ang mga sumusunod
Bilang tugon sa mga pangangailangan ng mga dayuhan na hindi nakapagpareserba ng pagbabakuna dahil sa mga pagkakaiba sa mga wikang ginagamit, sinimulan namin ang inisyatibong ito upang magbigay ng suporta sa iba’t ibang wika upang madagdagan ang mga pagkakataon sa pagbabakuna ng mga dayuhan.
Ang mga nais basahin ang page na ito sa madaling wikang Hapon ay sumangguni dito
Walang bayad ang pagbabakuna. (Subalit, ang halaga ng transportasyon papunta sa lugar ng pagbabakuna ay sariling bayad.)
Ang mga sumusunod na tao na nakatanggap ng tiket para sa pagbabakuna
* Angkop din ang mga taong hindi nakatira sa Tokyo, Osaka at Nagoya
* Para sa mga hindi pa nakatanggap ng tiket sa pagpapabakuna, mangyaring kumonsulta sa munisipyo kung saan kasalukuyang nakatira at kumuha ng tiket. * Kung mayroong katanungan, mangyaring kumonsulta sa FRESC Help Desk
Numero ng telepono para sa pagpapareserba ng pagpapabakuna ng FRESC
Telepono para sa pagpapareserba: 03-4332-2601
- Mula Lunes hanggang Biyernes (sarado kung Sabado/Linggo/National Holiday)
- Mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.
- May suporta sa iba’t ibang wika
- Kung nais kanselahin o baguhin ang reserbasyon, siguraduhing ipaalam ito sa amin.
* Iwasan ang pagtatanong sa ospital
Tokyo
Nagoya
Osaka
Tokyo
JCHO Tokyo Takanawa Hospital Natapos na ang pagpapareserba
- Simula ng pagpapareserba: Oktubre 11 (Lunes)
- Simula ng pagbabakuna: Mula Oktubre 20 (Miyerkules)
Nagoya
Nagoya Congress Center(Vaccination Center) Natapos na ang pagpapareserba
- Simula ng pagpapareserba: Oktubre 11 (Lunes)
- Araw ng pagbabakuna (Unang bakuna): Oktubre 19 (Martes), 20 (Miyerkules)
- Araw ng pagbabakuna (Pangalawang bakuna): Nobyembre 16 (Martes), 17 (Miyerkules)
Fujita Health University Bantane Hospital Natapos na ang pagpapareserba
- Simula ng pagpapareserba: Oktubre 22 (Biyernes)
- Araw ng pagbabakuna (Unang bakuna): Oktubre 26 (Martes), 27 (Miyerkules), 28 (Huwebes), 29 (Biyernes)
- Araw ng pagbabakuna (Pangalawang bakuna): Nobyembre 16 (Martes), 17 (Miyerkules), 18 (Huwebes), 19 (Biyernes)
JCHO Chukyo Hospital Natapos na ang pagpapareserba
- Simula ng pagpapareserba: Oktubre 22 (Biyernes)
- Araw ng pagbabakuna (Unang bakuna): Nobyembre 8 (Lunes), 10 (Miyerkules), 16 (Martes), 18 (Huwebes)
- Araw ng pagbabakuna (Pangalawang bakuna): Nobyembre 29 (Lunes), Disyembre 1 (Miyerkules), 7 (Martes), 9 (Huwebes)
Osaka
Nanko Hospital Natapos na ang pagpapareserba
- Simula ng pagpapareserba: Oktubre 11 (Lunes)
- Simula ng pagbabakuna: Mula Oktubre 20 (Miyerkules)
Pagpapareserba
- Ang pagpapabakuna ay maaari lamang gawin kapag may reserbasyon. Mangyaring magpareserba sa pamamagitan ng pagtawag sa Reserba para sa pagpapabakuna ng FRESC sa pamamagitan ng telepono.
- Tandaan na ang mga walang tiket o hindi nakapagpareserba ay hindi maaaring mabakunahan kahit na direktang pumunta sa lokasyon ng pagpapabakuna.
Mga dadalhin sa araw ng pagpapabakuna
Mga pag-iingat/babala sa araw ng pagpapabakuna
- Siguraduhing magsuot ng face mask. Iwasan ang pakikipag-usap sa ibang tao sa loob ng vaccination center.
- Kung sa araw ng pagbabakuna ay masama ang pakiramdam o may simtomas ng trankaso, hindi maaaring pumunta. Sa ganitong kaso, mangyaring makipag-ugnay sa Reserba para sa pagpapabakuna ng FRESC sa pamamagitan ng telepono upang magkansela.
- Ang bakuna ay ibibigay sa itaas na bahagi ng balikat, kaya siguraduhing magsuot ng mga damit na lalabas ang iyong balikat.
Mga babala sa bawat lokasyon ng pagpapabakuna
JCHO Tokyo Takanawa Hospital(Tokyo) Natapos na ang pagpapareserba
- Mga angkop na edad: 12 taong gulang pataas.
* Kung ang isang tao na wala pang 15 taong gulang ay nagnanais na magpabakuna, sa prinsipyo, kinakailangan ang pirma ng tagapag-alaga (signature column ng pre-examination slip) kinakailangan may kasama sa araw ng pagpapabakuna.
Nagoya Congress Center(Nagoya) Natapos na ang pagpapareserba
- Mga angkop na edad: 12 taong gulang pataas.
* Kung ang isang tao na wala pang 15 taong gulang ay nagnanais na magpabakuna, sa prinsipyo, kinakailangan ang pirma ng tagapag-alaga (signature column ng pre-examination slip) kinakailangan may kasama sa araw ng pagpapabakuna.
- Araw ng pagbabakuna (Unang bakuna): Oktubre 19 (Martes), 20 (Miyerkules)
- Araw ng pagbabakuna (Pangalawang bakuna): Nobyembre 16 (Martes), 17 (Miyerkules)
- Walang libreng parking para sa mga magpapabakuna, kaya mangyaring gumamit ng pampublikong transportasyon.
Fujita Health University Bantane Hospital(Nagoya) Natapos na ang pagpapareserba
- Mga angkop na edad: 12 taong gulang pataas.
* Kung ang isang tao na wala pang 15 taong gulang ay nagnanais na magpabakuna, sa prinsipyo, kinakailangan ang pirma ng tagapag-alaga (signature column ng pre-examination slip) kinakailangan may kasama sa araw ng pagpapabakuna.
JCHO Chukyo Hospital(Nagoya) Natapos na ang pagpapareserba
- Mga angkop na edad: 12 taong gulang pataas.
* Kung ang isang tao na wala pang 15 taong gulang ay nagnanais na magpabakuna, sa prinsipyo, kinakailangan ang pirma ng tagapag-alaga (signature column ng pre-examination slip) kinakailangan may kasama sa araw ng pagpapabakuna.
Nanko Hospital(Osaka) Natapos na ang pagpapareserba
- Mga angkop na edad: 15 taong gulang pataas.
* Ang mga batang may edad na 15 hanggang 18 taong gulang ay dapat na may kasamang tagapag-alaga (ang linya ng lagda sa pre-examination slip ay pinirmahan ng kasamang tagapag-alaga)
May suporta sa iba’t ibang wika (*) sa mga vaccination center
Hapon, Ingles, Chinese, Korean, Portuguese, Spanish, Thai, Vietnamese, Filipino, Nepal, Indonesian, Burmese, French
Dalawang beses
- Sa kaso ng bakuna ng Pfizer, ang pamantayan ay ang pangalawang bakuna ay ibibigay tatlong linggo matapos ang unang bakuna (sa parehong araw ng linggo pagkatapos ng tatlong linggo).
- Sa kaso ng bakuna ng Takeda/Moderna, ang pamantayan ay ang pangalawang bakuna ay ibibigay apat na linggo matapos ang unang bakuna (sa parehong araw ng linggo pagkatapos ng apat na linggo).
* Bilang pangkalahatang tuntunin, isahang pangreserba o sabay na irereserba ang una at ikalawang petsa ng pagpapabakuna.